Hildebrand M. Cabrera
Julian J. Meimban III
Jachelle Anne D. Terrago
Abstrak
Pinag-aralan kung may kaugnayan ang grado sa asignaturang Ingles (English grade) at General Weighted Average (GWA) ng mga mag-aaral na nasa ikalawang taon sa kolehiyo sa unang semestre ng taong panuruan 2016-2017 sa isang pribadong Pamantasan. Pearson product-moment correlation ang ginamit para sa 87 na sampol. Ibinahagi ang 87 na sampol sa sampung (10) kolehiyo ng Pamantasan sa pamamagitan ng proportionate stratified random sampling procedure. Ang mga assumptions ng Pearson correlation test katulad ng normality, linearity, at homoscedasticity ay natugunan. Highly significant at positive ang correlation ng English grade at GWA (p < .001). Itinuturing na moderately strong ang relationship o ugnayan ng dalawang baryabol. Ang resultang ito ay sumasang-ayon sa natuklasan ng mga ibang mananaliksik tungkol sa kaugnayan ng English Language Proficiency at Academic Performance.
Mga Susing Salita: english language proficiency, Pearson product-moment correlation, proportionate stratified random sampling
Ang wikang Ingles ay itinuturing na international language o midyum ng komunikasyon sa pandaigdigang kalakaran, pagsasalita man o pagsulat. Maraming libro, pahayagan, magazine, at mga kauri nito ang nakasulat sa Ingles. Maging ang mga instructions sa internet, signage, posters, billboards ay nakasulat din sa Ingles. Kadalasan ang mga interviews para sa mga trabaho sa ibang bansa at sa mga itinuturing na high-paying jobs ay isinasagawa sa wikang Ingles. Dahil dito, itinuturing ng maraming tao na napakalaki ang maitutulong ng kaalaman sa wikang Ingles sa kanilang ikapagtatagumpay at pagsulong sa negosyo at sa larangan ng akademiko (Gow et al., 1995).
Sa mundo ng edukasyon, ang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo at komunikasyon sa mga paaralan ay naging kalakaran na. Kaya kung ang isang mag-aaral ay hindi gaanong sanay sa paggamit ng wikang ito, maaapektohan ang kaniyang kakayahan sa paghahayag ng kaniyang nasa isip o saloobin sa pagsasalita man o sa pagsulat. Maaapektuhan din ang kaniyang kakayahan na makaunawa sa mga babasahing nakasulat sa Ingles. Sa bandang huli, ang academic performance ng mag-aaral ay maaapektohan din (Wicks, 1996).
Sa ginawa pagsasaliksik ni Wilson at Komba (2012) tungkol sa relationship ng English Language Proficiency (ELP) at Academic Performance (AP) ng mga estudyante sa Tanzania (Morogoro Urban District), natuklasan nila na ang dalawang baryabol na ito ay may significant positive relationship (α = .01), pero ang ugnayan ng dalawa ay tinayang mahina. Ayon sa kanila, “the more proficient in English a student is, the better she/he is in academics.” Nakita rin nila na ang ibang baryabol bukod sa ELP ay may significant positive, moderate relationship sa AP (r < 0.5). Sa kanilang konklusyon nilinaw nila na ang “academic success is an interplay of several variables and that ELP plays a role in performance but not the major role.” At sa kanilang rekumendasyon, sinabi nila na (1) “it is advisable for Tanzania to put emphasis on ELP as an additional criterion for admission into secondary schools and higher education since no single factor can predict performance,” at (2) “the government should invest more in improving students’ ELP in the four skills: writing, reading, listening and speaking, in this way, a better performance would be achieved.”
Ayon naman sa ginawang pag-aaral ni Martirosyan et al. (2015) tungkol sa impact ng ELP sa AP ng mga international students na naka-enrol sa 4-year course sa isang pamantasan sa North Central Louisiana, USA, ang pinakamataas na mean GPA ay nakuha ng mga estudyante na may high level na self-perceived ELP (self-rating mula sa ginawang scale measurement) at nakakapagsalita ng di bababa sa tatlong linguahe. Multiple regression analysis ang ginamit kung saan ang GPA ang dependyenteng baryabol. Ang mga independyenteng baryabol, nakapaloob sa self-perceived ELP rating scale, ay ang mga sumusunod: bilang ng linguaheng nalalaman bukod sa English, levels of difficulty (ayon sa 4-point Likert scale) sa pag-unawa sa English sa reading, writing, listening, at speaking. Ang mga estudyante na kasama sa sampol ay mula sa iba’t ibang kurso: Political Science, Education, Psychology, Mass Communication, Electronic Engineering Technology, Criminal Justice, Business management, Nursing, Accounting, Public Administration, at Computer Science.
Ayon din kina Kaliyadan et al. (2015), sa ginawa nilang pag-aaral ukol sa kaugnayan ng ELP at AP sa mga mag-aaral na nasa medical preparatory year sa Saudi Arabia, may significant positive relationship ang ELP at AP. Ang ibig sabihin, kung mataas ang ELP ay mataas din ang AP. Ang AP ay sinukat nila sa pamamagitan ng written exam, oral exam, at formative assessment (reflective essay, student assignment, at student presentation). Ang ELP naman ay tinaya sa pamamagitan ng ginawang standardized English exam sa reading, writing, at speaking module. Nakita nila na may significant relationship (ayon sa Spearman’s Rho) ang English exam (ELP) at written exam (AP) (p < .001) gayon din ang English exam at oral exam (p = .003). Hindi kinakitaan ng significant relationship ang English exam at student assignment at maging sa student presentation.
At sa ginawang pag-aaral ni Racca at Lasaten (2016) ukol sa kaugnayan ng English proficiency (batay sa rating scale na ginawa) at academic performance (batay sa grade point average, GPA) ng mga mag-aaral sa Grade 8 sa Philippine Science High School sa Northern Luzon, Philippines (Ilocos Region Campus, Cordillera Autonomous Region, at Cagayan Valley Campus), natuklasan nila na may significant positive relationship ang ELP at AP sa Science, Mathematics, at English. Kung mataas ang EPL, mataas din ang AP sa gayong mga asignatura.
Batay sa resulta ng mga pagsusuri sa kaugnayan ng ELP at AP sa iba’t ibang bansa, malinaw na may significant positive relationship ang dalawang variables na ito. Nais din malaman ng mga tagapagsaliksik kung ang ugnayang ito ng ELP at AP ay makikita rin sa mga mag-aaral na nasa ikalawang taon sa kolehiyo sa isang pribadong Pamantasan sa Quezon City, Philippines. Nilayon ng pag-aaral na ito na sagutin ang sumusunod na Research Question at i-test ang kakambal na hypothesis:
May kaugnayan ba ang ELP at AP, α = .05?
Ho: Walang kaugnayan ang ELP at AP, ρ = 0.
Ha: May kaugnayan ang ELP at AP, ρ = 0.
Metodo
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isang descriptive study kung saan ang sekondaryang datos ng mga mag-aaral ay sinuri gamit ang Pearson product-moment correlation (r).
Populasyon at Sampol
Ang populasyon sa pag-aaral na ito ay lahat ng mga mag-aaral na nasa ikalawang taon sa kolehiyo sa unang semestre ng taong panuruan 2016-2017. Walumpo’t pito (87) ang ginamit na sampol. Ito ay ibinatay sa power = .80, α = .05, effect size = .15 (medium) para sa significance of product-moment correlation (r) test (Cohen, 1992). Ang sampol ay pinili sa pamamagitan ng proportionate stratified random sampling technique kung saan ang sampol ay ibinahagi sa mga kolehiyo ng pamantasan na nagsilbing strata (Talahanayan).

Pangangalap ng Datos
Ang grado sa asignaturang ENG 2 (College Reading & Writing) o ENG 3 (Oral Communication) ang ginamit na indicator ng ELP. Ang ginamit naman na indicator ng AP ay ang general weighted average (GWA). Ang grado sa mga asignaturang nabanggit at GWA ng mga mag-aaral na nakabilang sa sampol ay kinuha mula sa students’ academic record na nasa pag-iingat ng Registrar’s Office ng Pamantasan. Isang sulat-kahilingan ang ginawa ukol dito.
Istatistikal na Pagsusuri
Isinagawa ang exploratory data analysis para matiyak na wasto ang pagkaka-encode ng mga datos, walang missing data, at walang extreme outliers. Ang SPSS v24 ang ginamit sa statistical analysis.
Bago tinaya ang Pearson r, nagsagawa muna ng tests sa mga major assumptions ng correlation: normality, linear relationship, at homoscedasticity. Batay sa result ng Shapiro-Wilk test, ang GWA ng mga grupo ng mga mag-aaral batay sa English grades (mula 1.00 hanggang 3.00) ay halos normally distributed (p > .05) maliban sa grupo ng mga mag-aaral na may English grade na 1.50 (p = .030). Mababakas sa scatterplot ng GWA at English grade ang straight line trend ng mga dots na nagpapakita na ang GWA at English grade ay may linear relationship (Pigura 1). Ang constant error variance or homoscedasticity ay natugunan din sapagkat makikita na walang pattern sa residual plot (Pigura 2).


Resulta at Diskusyon
Highly significant ang kaugnayan ang ELP at AP, r(85) = .56, p < .001. Ang correlation coefficient na 0.56 ay itinuturing na moderately strong (Salkind, 2000). Sa ibang salita, ang ugnayan ng dalawang baryabol ay hindi nagkataon lang o bunga lang ng chance. At dahil ang correlation coefficient ay positive, ang ibig sabihin, ang ELP at AP ay kapwa kumikilos sa parehong direksiyon. Kung ang ELP ay tataas o bababa, ang AP ay tataas o bababa rin. Ang resultang ito ay umaayon sa findings nina Wilson at Komba (2012), Martirosyan et al. (2015), at Racca at Lasaten (2016). Ang resultang ito ay mula sa datos na nakalap kung saan ang mean GWA ay 1.97 (SD = 0.30) and mean English grade ay 2.02 (SD = 0.59).
Yamang malaki ang naitutulong ng kaalaman at kasanayan na paggamit ng wikang Ingles sa pagpapaunlad ng GWA ng mga mag-aaral, inirerekumenda na paigtingin pa ang pagpapatupad ng paggamit ng Ingles bilang medium of instruction sa pagtuturo at ang English Speaking Policy sa buong unibersidad. Magkaroon din ng seminars, remedial classes, at iba pang assistance programs para matulungan ang mga mag-aaral na kapos ang kasanayan at kaalaman sa paggamit ng wikang Ingles.
Mga Reperensya
Cohen, J. (1992). A Power Primer. Psychological Bulletin, 112(1), 155-159. https://doi.org/10.1037/0033-2909.112.1.155
Gow, K., Chant, D., & Cook, H. (1995). The Effect of English Language Proficiency Level and Educational Background on Academic Achievement. Singapore Journal of Education, 15(1), 21–35. https://doi.org/10.1080/02188799508548599
Kaliyadan, F., Thalamkandathil, N., Parupalli, S. R., Amin, T. T., Balaha, M. H., & Al Bu Ali, W. H. (2015). English language proficiency and academic performance: A study of a medical preparatory year program in Saudi Arabia. Avicenna Journal of Medicine, 05(04), 140–144. https://doi.org/10.4103/2231-0770.165126
Martirosyan, N. M., Hwang, E., & Wanjohi, R. (2015). Impact of English Proficiency on Academic Performance of International Students. Journal of International Students, 5(1), 60–71. https://doi.org/10.32674/jis.v5i1.443
Oliver, R., Vanderford, S., & Grote, E. (2012). Evidence of English language proficiency and academic achievement of non-English-speaking background students. Higher Education Research & Development, 31(4), 541– 555. https://doi.org/10.1080/07294360.2011.653958
Racca, R. M. A. B. & Lasaten, R. C. S. (2016). English Language Proficiency and Academic Performance of Philippine Science High School Students. International Journal of Languages, Literature and Linguistics, 2(2), 44–49. https://doi.org/10.18178/IJLLL.2016.2.2.65
Salkind, N. J. (2000). Exploring Research (4th ed.). Prentice-Hall.
Wicks, R. (1996). Effects of English language proficiency on the academic performance of international students: A USQ study. Distance Education, 17(1), 196–204. https://doi.org/10.1080/0158791960170113
Wilson, J. & Komba, S. C. (2012). The Link between English Language Proficiency and Academic Performance: A Pedagogical Perspective in Tanzanian Secondary Schools. World Journal of English Language, 2(4), p.1. https://doi.org/10.5430/wjel.v2n4p1
