Kaningningan Journal 2025
-

Ang Bagong Historiograpiya at Transkultural na Pamana sa Pagsasakasaysayang Pilipino
Ang artikulong ito na may pamagat na “Ang Bagong Historiograpiyang Pilipino at ang Transkultural na Pamana sa Pagsasakasaysayang Pilipino” ay naglalayong magbunyagng limitasyon ng teleolohikal at kanonikal na kasaysayan sa Pilipinas—isang salaysay o naratibong linyar, monolitiko, opisyal, at autoritatibo—upang maglatag ng alternatibong pagsipat sa nakaraan gamit ang pampamanang historiograpiya (heritage historiography) at mapaghabing kasaysayan (entangled history). Nais ipakita sa pag-aaral na Click to Read the Full Article
-

Institusyonalisasyon ng Pag-alala at Paglimot: Ang Geopolitika ng Gunita kay Bonifacio sa mga Pampublikong Komemorasyon at Espasyo
Ang gunita ay may kinalaman sa kabuluhan ng isang tao; kaya naman naglalaan dito ng panahon ang mga tao’t mga institusyon. Isa si Andres Bonifacio sa mga ginugunita sa Pilipinas sa iba’t ibang antas. Ang pag-aaral na ito ay tumuon sa gunita ng kanyang panahon (kapanganakan, kamatayan) at karanasan (Unang Sigaw) sa pampublikong komemorasyon at espasyo. Sa mga gunita na may kinalaman kay Bonifacio, gayunpaman, masasabing nariyan ang geopolitika sapagkat… Click to Read the Full Article
-

Rebyu ng Tayabas: Documenting Heritage
Makabuluhan ang ambag sa larangan ng dokumentasyon, konserbasyon at pagsusulong ng pamanang pangkultura at pangkasaysayan ang aklat na Tayabas: Documenting Heritage ni Raymundo Andres V. Palad o mas kilala namin bilang si Ryan Palad na nailathala noong 2024. Hindi ito basta aklat na naglalaman ng mga larawan o listahan ng mga makasaysayang lugar sa Tayabas. Sa halip, ito ay isang obratestamentaryo, isang malalim at masigasig na pagtatala ng kasaysayan at… Click to Read the Full Article
-

“Tabi-Tabi-Folkloradyo!” Ng DZUP1602 – dzup.org: Pagmumuni-Muni Sa Kaalamang-Bayan At Gawaing EkstensyonNg Talastasan Sa Himpapawid
Ibinabahagi ng papel na ito ang kasaysayan, karanasan, at paglalakbay ng “Tabi-tabi-Folkloradyo! (TFR!), isang programang pangradyo sa DZUP 1602 KHZ (AM Band) at dzup.org na nagsibing daluyan ng talastasan hinggil sa kaalamang-bayan ng Pilipino. Mula sa munting hakbang ng pagmumungkahi, balakin, at panukala noong 2012, lumago ang TFR! bilang mahalagang salupongan ng akademya at bayan, na sa loob ng limang taon, ay nagpatuloy sa pagbuo ng mga diskurso sa wika,… Click to Read the Full Article
-

Tipiganan sa Kabilin: Ang Museo Sugbo sa Pagsasakapangyarihan ng Sambayanang Sugboanon
Ang kalinangan ay may papel din sa pagsasakapangyarihan ng mga mamamayan lalo na ang kabilin (pamanang bayan) ng mga Sugboanon. Hindi lamang ito pinagmumulan ng pagmamalaki at pagkakakilanlan ng mga kasalukuyang Sugboanon pero ito ay maaring makatutulong upang mas maintindihan ng ibang tao ang mga ito. Ang mga kabilin na nasa Museo Sugbo, ang tipiganan (lagakan) ng mga pamanang bayan ay maaring magsasakapangyarihan din sa mga Sugboanon sa bahaging pang-ekonomiya… Click to Read the Full Article
-

Ilihan: Ang Pamanang Bayan sa Pagkukuta at Pakikibakang Anti-Kolonyal ng mga Higaunon noong ika-17 hanggang ika-18 Siglo
Sa mahabang pakikibaka ng mga Higaunon sa mga mangangayaw na Moro ay kanilang ginamit ang ilihan upang magkubli at magtago sa kabundukan ng Hilagang Mindanao. Nagbigay ito sa kanila ng negatibong pagkakakilanlan mula sa pananaw na hindi gamay ang kanilang tradisyon at kultura. Laging kinakabit sa pagkataong Lumad ang mga katagang taga-bukid. Ngunit, ang ilihan ang kanilang pamamaraan ng pagkukuta upang labanan ang hamon na dala ng kalakarang pangangayaw at… Click to Read the Full Article
-

Ang Walang Kupas na Halina ng Amaya
Sinusuri ng papel na ito ang epikseryeng Amaya (GMA 7, 2011–2012) gamit ang kritikal na balangkas na “PAKI” na binubuo ng Paninindigan, Ambisyon, Kahusayan, at Inmortalidad, gaya ng mungkahi ni Samar (2024) sa diskursong pampelikula. Layunin ng pag-aaral na muling dalumatin at suriin ang Amaya bilang isang makabuluhang tekstong pantelebisyon na lumampas sa aliwan at nagsilbing larangan ng wika, kasaysayan, at kulturang Pilipino. Sa pamamagitan ng masusing tekstuwal at diskursibong… Click to Read the Full Article
