Ligaya Z. Del Rosario
Angeline G. Anilao
New Era University
How to Cite:
Del Rosario, L. Z., & Anilao, A. G. (2024). Isang transcendental penomenolohikal na pag-aaral ukol sa tinig at tindig sa blended na pagtuturo ng mga akdang pampanitikan sa lente ng mga guro sa Filipino. NEU Likha Journal: A Refereed Journal of the New Era University School of Graduate Studies, 1(2), 47–57.
Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay naglayon na maisalaysay at mailarawan
ang karanasan ng mga guro sa ilalim ng blended na pagtuturo ng mga
akdang pampanitikan. Sa pagpili ng mga kalahok, ginamit ang Purposive
Sampling ayon sa mga inklusibong pamantayan. Ang mga kalahok ay binuo
ng 10 mga guro ng asignaturang Filipino sa Junior High School mula sa
Dibisyon ng Caloocan, Distrito ng Tanque. Sa pamamagitan ng malalimang
pakikipanayam, obserbasyon sa klase, at memoing ay nakakalap ng datos
upang masuri at mabigyan ng interpretasyon gamit ang pitong hakbang
ng deskriptibong pag-aanalisa ni Colaizzi (1978) at ang Pangkalahatang
Estruktura o Universal Structure ni Moustakas (1994). Natuklasan sa
pananaliksik na ito ang mga salik na nakaaapekto sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan na binubuo ng makabago at napapanahong pamamaraan sa pagtuturo, labis na pangangamba, paghawan ng hadlang sa pakikipag-ugnayan, at gabay na nakatutulong sa pagtuturo, mga hamon sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan na binubuo ng balakid na dulot ng pagtuturo sa bagongkadawyan at pagharap sa bagong kadawyan ng pagtuturo, mga paraan upang mapagtagumpayan ang hamon sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan ng pagtuturo na binubuo ng iba’t ibang estratehiya at kagamitan sa pagtuturo, maunlad na paggamit ng teknolohiya, konsiderasyon sa mag-aaral, at kolaborasyon ng iba’t ibang kagawaran.
Mga Susing Salita: blended na pagtuturo, akdang pampanitikan, lente
Introduksiyon
Ang pananaliksik na ito ay naglayon na maisalaysay at mailarawan ang karanasan ng mga guro sa ilalim ng blended na pagtuturo ng mga akdang
pampanitikan. Sa panimulang bahagi ng pananaliksik ay inilahad ang konteksto. Ang pandemyang dulot ng COVID-19 ay nagbunsod ng malaking
pagbabago sa larang ng edukasyon. Dahil dito, ipinatupad ng Kagawaran
ng Edukasyon ang DepEd Order no. 12 s. 2020 o Adoption of the Basic
Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) upang masolusyunan ang
“technological gaps” na nararanasan sa panahon ng pandemya. Sa ilalim
ng BE-LCP, nakapaloob ang mga Learning Delivery Modes na maaaring
gamitin ng mga mag-aaral, isa na rito ang tinatawag na blended learning
(BL). Sa konteksto ng Pilipinas, ang blended na pagkatuto ay tumutukoy sa
pinagsamang Online Distance Learning (ODL) at Modular Distance Learning
(MDL) na pamamaraan. Bagaman ang BL ay maraming kontribusyon sa
akademya, hindi maiiwasan ang mga sagabal sa pagpapatupad nito.
Ang sumusunod na suliranin ay hinanapan ng kasagutan sa saliksik
na ito: (1) Ano-ano ang mga naging karanasan ng mga kalahok gamit ang
blended na pagtuturo ng mga akdang pampanitikan?, (2) Ano-ano ang mga
hamon na naranasan ng mga kalahok gamit ang blended na pagtuturo ng
mga akdang pampanitikan?, at (3) Paano napagtagumpayan ng mga kalahok
ang hamon (survival mechanism) gamit ang blended na pagtuturo ng mga
akdang pampanitikan?
Makikita sa mga kaugnay na literatura ang paksa ukol sa: (1) ang
COVID-19 at epekto nito sa edukasyon, (2) ang blended na pagtuturo bilang
penomena, (3) akdang pampanitikan at katuturan nito, at (4) blended na
pagtuturo ng mga akdang pampanitikan. Gayundin, makikita ang mga
kaugnay na pag-aaral na iniugnay sa saliksik.
Nakasandig ang pag-aaral na ito sa blended learning model nina
Tucker (2018). Saklaw lamang sa pag-aaral na ito ang karanasan ng mga
guro sa ilalim ng blended na pagtuturo ng mga akdang pampanitikan sa taong
panuruan 2021-2022. Ito ay limitado lamang sa mga guro ng asignaturang
Filipino sa Junior High School mula sa Dibisyon ng Caloocan, Distrito ng
Tanque. Ang Baesa High School, Bagong Barrio National High School,
at Talipapa High School ang mga paaralang kabilang dito. Mahalaga ang
pananaliksik na ito sa mga guro sa Filipino, mga mag-aaral, mga magulang, administrador ng paaralan, at sa mga susunod pang mananaliksik.
Metodo
Ang pag-aaral ay isinagawa sa tatlong paaralan na napabilang sa Dibisyon ng Caloocan, Distrito ng Tanque. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ay pinili ng gamit ang purposive sampling technique. Ito ay binuo ng sampung (10) piling mga guro ng asignaturang Filipino sa Junior High School.
Ang mga datos ay kinalap sa pamamagitan ng malalimang pakikipanayam (in-depth interview) at obserbasyon sa klase. Ang instrumentong ginamit sa pakikipanayam ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay may kaugnayan sa demograpikong profile ng mga kalahok. Ang ikalawang bahagi ay may kaugnayan sa karanasan ng mga guro sa Filipino sa ilalim ng blended na pagtuturo ng mga akdang pampanitikan.
Bago ang aktuwal na pakikipanayam, ang instrumentong ginamit
sa pananaliksik ay isinailalim sa pagsusuring pangnilalaman (content
validation) upang masiguro na ang mga katanungan na may kaugnayan sa
paksang sinaliksik ay angkop sa layunin at inaasahan ng pag-aaral. Matapos
ang isinagawang pagsusuri, nagsagawa ang mananaliksik ng pilot testing.
Ito ay nilahukan ng tatlong (3) guro sa Filipino na nakatugon sa inklusibong
pamantayan. Ang mga kalahok mula rito ay kabuuang representasyon ng
distrito na hindi kasama sa aktuwal na bilang ng kalahok.
Ang pangangalap ng datos ay isinagawa sa pamamagitan ng
pakikipanayam. Ito ay isinagawa sa lugar, panahon, at plataporma o
application (Google Meet) na parehong napagkasunduan ng mananalisik at kalahok sa loob ng isang buwan, simula Marso hanggang Abril 2022.
Sa pahintulot ng mga kalahok, ang pakikipanayam ay ini-record gamit
ang Google Meet at ang mga kasagutan ay isinailalim sa transkripsyon
gamit ang Microsoft Word Office. Ang mananaliksik ay nagsagawa rin ng
obserbasyon sa klase sa loob ng apat (4) na beses mula ika-14 ng Marso
hanggang ika-8 ng Abril. Tig-isang sesyon ang pagmamasid sa loob ng
isang linggo. Ginamit ng mananaliksik ang Classroom Observation Tool o
COT hango sa opisyal na form ng DepEd. Bumuo rin ang mananaliksik ng
memoing habang isinasagawa ang panayam at obserbasyon sa klase. Lubos
itong nakatulong sa pagpapatibay ng naging resulta ng pag-aaral.
Ginamit sa pag-aanalisa ng datos ang pitong hakbang ng deskriptibong
pagaanalisa ni Colaizzi (1978) at ang Pangkalahatang Estruktura o Universal
Structure ni Moustakas (1994). Ito ay isang aktibong estratehiya upang
makabuo ng paglalarawan ukol sa likas na kaganapan o penomenon ng
tao (Sosha, 2012). Ang mga hakbang na sinunod ay ang mga sumusunod:
(1) pamilyarisasyon, (2) pagtukoy sa mga makabuluhang pahayag, (3)
pagbalangkas o pagbuo ng pagpapakahulugan mula sa mga makabuluhang
pahayag, (4) pagsasaayos ng mga nabuong pagpapakahulugan ayon sa mga
klaster na tema, (5) pagbuo ng komprehensibong paglalarawan o exhaustive
description ng penomena, (6) paglikha ng pundemental na estruktura, at (7)
Paghingi ng beripikasyon sa pundamental na estruktura.
Mapagkakatiwalaan at napaunlad ang katapatan ang naging resulta
ng pag-aaral sapagkat taglay ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na pamantayan mula sa konseptong iminungkahi nina Lincoln at Guba (1985):
kredibilidad o credibility, maililipat o transferability, pagkamaasahan o
dependability, at pagkumpirma o confirmability.
Ang mananaliksik ay isang guro sa Junior High School mula sa
pampublikong paaralan. Sa kabila ng ng mga paunang nalalaman mula sa
kanyang mga karanasan sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang
blended na pamamaraan, pinanatili pa rin nito ang katapatan at nanghawak
sa pagkakaroon ng integridad. Hindi niya sinubukan na impluwensyahan o
kontrolin ang itutugon ng mga kalahok sa pag-aaral.
Ang mga etikal na konsiderasyon ay nakatulong upang masiguro
na ang pananaliksik ay isinagawa kalakip ang respeto sa mga karapatan at
dignidad ng mga kalahok. Sa pananaliksik na ito, ang gabay na ginamit sa
pagsasakatuparan ng ilang etikal na konsiderasyon ay mula sa American
Psychological Association (APA) – 7th Edition. Ito ay naglalaman ng mga
sumusunod: informed consent, pagiging pribado at kumpidensyal, mga
panganib na dulot, panlilinlang, at pag-uulat sa naging resulta.
Resulta
Ang pag-aaral na ito ay naglayon na maisalaysay at mailarawan ang
karanasan ng mga guro sa ilalim ng blended na pagtuturo ng mga akdang
pampanitikan sa mga guro ng asignaturang Filipino sa Junior High School
mula sa Dibisyon ng Caloocan, Distrito ng Tanque.
Sa pamamagitan ng malalimang pakikipanayam (in-depth interview)
at obserbasyon sa klase ay nakakalap ng datos na kinailangan upang masuri
at mabigyan ng interpretasyon gamit ang pitong hakbang ng deskriptibong
pag-aanalisa ni Colaizzi (1978) at ang Pangkalahatang Estruktura o Universal
Structure ni Moustakas (1994). Ang hakbang na ito ay binubuo ng mga
sumusunod: pamilyarisasyon, pagtukoy sa mga makabuluhang pahayag,
pagbalangkas o pagbuo ng pagpapakahulugan mula sa mga makabuluhang
pahayag, pagsasaayos ng mga nabuong pagpapakahulugan ayon sa mga
klaster na tema, pagbuo ng komprehensibong paglalarawan o exhaustive
description ng penomena, paglikha ng pundemental na estruktura, at paghingi
ng beripikasyon sa pundemental na estruktura, pangkalahatang estruktura,
at kahalagahan o essence. Ang mga datos na nasuri ay humantong sa
pagkakaroon ng tatlong (3) pangunahing tema at sampung (10) kategorya.
Dalawa (2) mula sa tema ay binubuo ng apat (4) na kategorya, isa (1) naman
Ang binuo ng dalawang (2) kategorya.
Ang nabuong tema at kategorya ay ang mga sumusunod: Unang tema:
mga salik na nakaaapekto sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit
ang blended na pamamaraan na binubuo ng makabago at napapanahong
pamamaraan sa pagtuturo, labis na pangangamba, paghawan ng hadlang sa
pakikipag-ugnayan, at gabay na nakatutulong sa pagtuturo; Ikalawang tema:
mga hamon sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended
na pamamaraan na binubuo ng balakid na dulot ng pagtuturo sa bagong
kadawyan at pagyakap sa bagong kadawyan ng pagtuturo. Ikatlong tema:
mga paraan upang mapagtagumpayan ang hamon (survival mechanism) sa
pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan
ng pagtuturo na binubuo ng iba’t ibang estratehiya at kagamitan sa pagtuturo,
maunlad na paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo, konsiderasyon sa magaaral, at kolaborasyon ng iba’t ibang kagawaran.
Ang mga tiyak na suliranin na natugunan sa pananaliksik na ito; Karanasan
sa paggamit ng blended sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan. Natuklasan sa pananaliksik na ito ang sumusunod na mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan: ang paggamit ng makabago at napapanahong pamamaraan sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan, labis na pag-aalala o pangamba sanhi ng transisyong naganap sa pagtuturo, mga hadlang sa pakikipag-ugnayan ng guro sa mag-aaral, mga gabay na natanggap ng mga guro sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan.
Natuklasan sa pananaliksik ang mga sumusunod na hamon sa pagtuturo
ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan: balakid sa
pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan, lubos na pagtanggap sa bagong sistema ng pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan.
Lumabas din sa resulta ang mga paraan upang mapagtagumpayan ang
hamon (survival mechanism) sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan gamit
ang blended na pamamaraan ng pagtuturo: iba’t ibang estratehiya at kagamitan na maaaring gamitin sa pagtuturo ng akda, maunlad na paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo, konsiderasyon sa mag-aaral, at kolaborasyon ng iba’t ibang kagawaran.
Diskusyon
Kuwalitatibo ang pag-aaral na ito sapagkat nakatuon ito sa paglalarawan at pag-unawa sa sosyal na penomena at mga interaksyon ng mga tao, kaysa sa estadistikang impormasyon, mga berbal, imahe at mga artifact na masasabing batay sa teksto o nakalimbag o anyong walang kaugnayan sa numero at masasabing katamtaman hanggang mataas ang antas ng pagiging subhetibo nito (Barrot, 2018). Ang kuwalitatibong pagaaral ay pinaka-angkop gamitin kapag ang isang pangkat o populasyon na may taglay na suliranin ay kailangang saliksikin (Creswell & Poth, 2018).
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng disenyong transcendental phenomenology. Ito ay nakahanay sa Husserl‘s (1938) descriptive phenomenology. Ang mga hamon ay maaaring gamitin bilang simula ng
pagsisiyasat at pagtuklas. Layunin ng transcendental phenomenology na
alamin ang mga pinagmulan at kahalagahan na bumubuo sa mga karanasan
ng tao, kasama na ang mga hamon na kinahaharap ng mga indibidwal na
may kaugnayan sa isang partikular na penomena.
Sa pananaliksik na ito, ginamit ang pitong hakbang ng deskriptibong
pag-aanalisa ni Colaizzi (1978) at ang Pangkalahatang Estruktura o
Universal Structure ni Moustakas (1994). Ito ay aktibong estratehiya
upang makabuo ng paglalarawan ukol sa likas na kaganapan o penomenon
ng tao (Sosha, 2012). Ang karanasan ng mga guro sa Filipino sa ilalim ng
blended na pagtuturo ng mga akdang pampanitikan ay nagdudulot ng mga
pagbabago sa kanilang mga pamamaraan ng pagtuturo, teknolohikal na
kakayahan, at pag-unawa sa mga personal na karanasan ng mga mag-aaral.
Ang pagkakaroon ng malalim at maingat na pag-aaral at pagsusuri ng mga
karanasang ito ay mahalaga upang mapahusay ang kalidad ng pagtuturo
ng mga guro sa Filipino sa ilalim ng blended na pag-aaral. Gayundin,
naunawaan at nabigyang kahulugan ang impormasyon at damdamin na mula
sa pang-araw-araw na pagkilos ng mga taong sangkot at kung paano ito
nakakaapekto sa kanila, partikular na ang karanasan ng mga guro sa Filipino
sa ilalim ng blended na pagtuturo ng mga akdang pampanitikan.
Natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga salik na dapat isaalangalang,
mga hamon sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikan, at mga paraan
upang mapagtagumpayan ang hamon (survival mechanism) sa pagtuturo ng
mga akdang pampanitikan gamit ang blended na pamamaraan ng pagtuturo.
Ang teoretikal, praktikal, at hinaharap na mga implikasyon ay nakabatay
sa mga datos na natamo mula sa pakikipanayam, obserbasyon sa klase
at memoing ng mananaliksik. Mula sa mga natuklasan at konklusyon, nakabuo ang mananaliksik ng mga rekomendasyon para sa mga guro, mag-aaral, magulang, administrador ng paaralan, at susunod pang mananaliksik.
Talasanggunian
American Psychological Association. (2020). Publication manual of the American Psychological Association (7th ed.). American Psychological Association.
Barrot, J. S. (2018). Practical research I for senior high school. C & E Publishing.
Canizares, C. A. (2020). Blended learning in the teaching of Philippine literature in the context of COVID-19. Batangas Journal of Literature, Culture, and Language Studies, 3(2), 1–17.
Colaizzi, P. F. (1978). Psychological research as the phenomenologist views it. In R. S. Valle & M. King (Eds.), Existential-phenomenological alternatives for psychology (pp. 48–71). Oxford University Press.
Creswell, J. W., & Poth, C. N. (2018). Qualitative inquiry and research design: Choosing among five approaches (4th ed.). Sage Publications.
Husserl, E. (1982). Ideas pertaining to a pure phenomenology and to a phenomenological philosophy: First book. Martinus Nijhoff Publishers.
Lincoln, Y. S., & Guba, E. G. (1985). Naturalistic inquiry. Sage Publications.
Moustakas, C. (1994). Phenomenological research methods. Sage Publications.
Sosha, G. A. (2012). Employment of Colaizzi’s strategy in descriptive phenomenology: A reflection of a researcher. European Scientific Journal, 8(27), 31–43.
Tucker, C. R. (2018). Power up blended learning: A professional learning infrastructure to support sustainable change. Corwin Press.

