Kaningningan Journal 2022
-

BAGANI, 1892-1896 Mga Aral Mula kay Rizal Para sa Makabagong Panahon ng Lockdown
Sa mga madidilim na bahagi ng ating kasaysayan, may mga liwanag na lumilitaw upang maging inspirasyon, gabay, at halimbawa. Sa panahon na ito ng COVID-19 pandemic, na ang lahat ay tila nasa lockdown, ano ang maituturo sa atin ng kasaysayan at ng buhay ng ating mga bayani, partikular ang buhay ng ating national hero na si Dr. José Rizal? Click to Read the Full Article
-

Si Rizal sa Pagbangon ng Sosyolohiya
Si Jose Rizal (1861-1896) ay nabuhay sa panahon ng pagbangon ng sosyolohiya. Walang tala sa kasaysayan na si Rizal ay nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga kapanahunan niyang itinuturing na haligi ng sosyolohiya na sina Karl Marx (1818-1883), Max Weber (1864-1920), at Emile Durkheim (1858-1917), ni katibayan na nabasa ni Rizal ang kanilang mga isinulat, subalit ang mga akda at gawa ni Rizal ay nagpamalas ng sistematikong pagsusuri sa kalagayan ng… Click to Read the Full Article
-

Mga Lansangan at Monumento: Ang Paggunita kay Rizal sa mga Pampublikong Espasyo at Lansangan
Layunin ng pananaliksik na ito na ilahad at isaad ang pag-alala ng bayan sa pambansang bayani, si Jose Rizal sa pamamagitan ng pistang opisyal, mga monumento, at iba pang pag-alala sa kaniyang kabayanihan; mula sa mga unang sandali matapos ang kaniyang pagbitay sa Bagumbayan noong 1896 hanggang sa pangpangalan ng mga lugar at pagtayo ng mga monumento at bantayog sa kaniyang alaala. Click to Read the Full Article
-

Si Jose Rizal sa Ugnayang Pilipinas-Indonesia: Pag-aaral Ukol sa mga Salik sa Pagtingin ng Lipunang Indones kay Rizal
Si Jose Rizal ay inilalarawan bilang may estilong diplomatiko sa pakikipaglaban. Ito ay naging inspirasyon ng mga Indones sa pagpapaunlad ng kanilang diwang makabayan, pagsulong sa kanilang laban para sa kalayaan, at sa pagtatamo ng Indonesia ng kabansaan. Si Rizal ay naging tampok sa kanilang diplomasya at pakikipag-ugnayan sa Pilipinas. Makikita rin sa iba’t ibang aspeto ang naging dulot na inspirasyon ni Rizal sa mga Indones. Ang mga pagtatampok namang… Click to Read the Full Article
-

Ilang mga Tala Tungkol sa mga Kontemporaryong Pagtingin Tungkol kay Rizal mula sa Indonesia
Layunin ng pag-aaral na ito ang talakayin ang mga kontemporaryong pagtingin tungkol kay Jose Rizal ng mga manunulat at iskolar na Indones. Mula sa pagsipat na isinagawa gamit ang mga online na batis, masasabi na ang kasalukuyang antas ng kontemporaryong iskolarsyip tungkol kay Rizal sa Indonesia ay limitado lamang. Gayunpaman, nanatili pa rin ang kasalukuyang interes kay Rizal sa mga mambabasa ng panitikan dahil sa pagkakilanlan sa mga akda ni… Click to Read the Full Article
-

Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa pagkakakilala kay Rizal sa loob ng mga kilusang bayan sa Pilipinas. Pangunahing konsepto ang pagkilala sa “kaalamang bayan” na isang kalipunan ng mga kaalamang binuo ng mga mamamayan ayon sa kanilang partikular na karanasan sa buhay. Isa ring mahalagang konsepto ang “kilusang bayan” sapagkat maaaring nagiging resulta ito ng pagkakabuo ng isang partikular na kaalamang bayan. Sa kasong ito, si Rizal ang… Click to Read the Full Article
-

Si Jose Rizal sa Paglingon sa Maningning na Nakaraan ng Pilipinas
Lingid sa kaalaman ng marami, nag-anotasyon si Jose Rizal sa “Sucesos de las Islas Filipinas” ni Antonio Morga na resulta ng kaniyang pananaliksik tungkol sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Layunin ng papel na ito na ipakita ang kahalagahan ng anotasyon ni Rizal sa pagbubuo ng pagpapanahong pangkasaysayan ng Pilipinas noong ika-19 dantaon. Bagama’t mas tinatalakay ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, kakikitaan ang ‘Sucesos’ ng kahalagahan pagdating… Click to Read the Full Article
-

Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino
Hugot mula sa ideyang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Español at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas. Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging kolonyal ng mga mananakop sa Pilipinas. Click to Read the Full Article
-

Ang Pagsasakasaysayan ng Batas Rizal (Batas Republika 1425) ng 1956: Sa Anino ng Nasyonalismo nina Jose P. Laurel at Claro M. Recto
Ang pagsusulong nina Jose P. Laurel at Claro M. Recto ng Batas Republika 1425 (Batas Rizal) noong 1956 ay bunga ng partikular na kasaysayan ng kanilang nasyonalismo. Iniluwal ang dalawang higanteng nasyonalista sa sinapupunan ng kasaysayan ng bansa sa konteksto ng kolonyalismong Español, Amerikano at pananakop ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa anino ng kolonyalismo yumabong ang nasyonalismo nina Laurel at Recto na hinubog naman ng buhay, gawa,… Click to Read the Full Article
