Kaningningan Journal 2023
-

Paglunsad, Pag-unlad, at Pagkasiyudad ng Taguig: tungo sa pag-unawa sa pagiging isang probinsyudad
Ang pananaliksik na ito nilayong alamin kung anong pagkasiyudad mayroon ang Taguig at kung naaangkop ba na tawagin itong ‘probinsyudad.’ Nirebisa ang ilang “urban theories” kaugnay sa mga siyudad sa Timog Silangang Asya, gayundin ng mga konsepto ng pag-unlad, kasabay ng pagbalik-tanaw sa ilang tampok na karanasan ng Taguig mula sa pagiging pamayanan nito hanggang sa pagiging siyudad. Click to Read the Full Article
-

Ang Larong Sungka Bilang Pamanang Bayan sa Pananaliksik at Pagbuo ng Kaalamang Pangkasaysayan sa Pilipinas
Hindi lamang makikita ang pagiging tradisyonal na akdang pangkasaysayan sa uri ng datos na ginagamit, kundi maging sa tinutuntungang perspektiba at praxis pangkasaysayan na ginagamit ng may-akda. Ibabahagi sa papel na ito ang isang uri ng ekspresibong kultura tulad ng larong sungka bilang pamanang bayan at ekspresibong kultura. Click to Read the Full Article
-

Ang Gampanin ng mga Pelikulang Historikal sa Pagtatamo at Pagpapatibay ng Kamalayang Pangkasaysayan
Karaniwang iniuugnay ang kasaysayang pampubliko sa pagbisita sa mga museo at pag-anyaya sa mga historyador upang sumagot sa mga trivial question ng madla. Itinuturing din na bahagi nito ang pakikipagtalakayan ng mga historyador sa isang programa sa telebisyon o radyo upang ibigay ang kaniyang sariling pananaw sa isang makasaysayang pangyayari sa kapakinabangan ng mga nanonood o nakikinig na publiko. Click to Read the Full Article
-

Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Madalang mabasa sa mga batis-kolonyal ang mga sinaunang pamayanan sa bansa, kahit pa ang sa lungsod ng Iligan kung saan ang mga Higaunon ang kinikilalang unang pangkatetnikong nanirahan dito. Sila rin ang unang nagpangalan sa ilan sa mga pook ng Iligan kung kaya, layunin ng papel na masuri ang mga piling pook-pangalan batay sa kanilang konteksto at masilip ang sinaunang pamayanan sa Iligan gamit ang kabilin ng mga Higaunon. Click to Read the Full Article
