tagalog
-

Rebyu ng Knowledge and Pacification: On the U.S. Conquest and the Writing of Philippine History
Ayon sa may-akda ng Knowledge and Pacification: On the U. S. Conquest and the Writing of Philippine History (“Knowledge and Pacification” simula sa puntong ito) na si Reynaldo Clemeña Ileto (2017) inaprubahan ng Ateneo de Manila University Press noong 2006 subalit nagkaroon daw ng “long hiatus” ang proyekto hanggang 2014 bago muling umandar ang proseso ng publikasyon nito. Click to Read the Full Article
-

Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang historiograpikal na pagsipat, tatalakayin sa papel ang pangkasaysayang kahalagahan kaugnay ng pagbabago at pag-unlad ng tradisyon ng pananamit at istilo sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Click to Read the Full Article
-

Ang Oral na Panitikan Bilang Pamanang Bayan: Ang Pagsibol, Paglago, at Pagtayog ng Niyog sa Bugtong, Salawikain at Awiting Bayan Gamit ang Gunitang Pangkasaysayan
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa panitikang bayan na tumatalakay sa niyog bilang pagpapasibol, pagpapalago at pagpapatayog ng niyog gamit ang gunitang pangkasaysayan. Tinatalakay rito ang mga naratibo mula sa bugtong, salawikain at awiting bayan na naglalarawan ng kahalagahan ng niyog sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Click to Read the Full Article
-

Ang Singkaban Bilang Pamanang Bayan ng Lalawigan ng Bulacan: Tuon sa Pampamahalaan at Pansibikong Larangan
Ang singkaban bilang pamanang bayan ay nagpapakita ng katutubong kaugalian ng mga Pilipino. Mula sa malikhaing paggawa ng mga arkong kawayan na ipinapalamuti sa mga lansangan, plaza, simbahan, at gusaling pampamahalaan tuwing may pambayang pagdiriwang. Ang singkaban ay nagsasalamin din ng higit na malalim na danas at pakahulugan ng kultura at kaugalian ng mga katagalugan sa lalawigan ng Bulacan sa Gitnang Kapatagang Luzon. Click to Read the Full Article
-

Paano Nagiging Relatibo ang Loob-Labas?: Diskursong loob-labas at pamanang intelektwal ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Nagkaroon ng rebyu ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral tungkol sa ‘loob’ at ‘labas’ at batay dito lumalabas na maraming pag-aaral tungkol sa ‘loob’ at ‘labas’ sa ilalim ng mga larangan o disiplina ng Agham Panlipunan gaya ng mga sumusunod: Antropolohiya, Pilosopiya, Sikolohiya, Kasaysayan, at Geopolitika. Nakasumpong naman ng ilang pag-aaral sa larangan ng Panitikan. Click to Read the Full Article
-

Paglunsad, Pag-unlad, at Pagkasiyudad ng Taguig: tungo sa pag-unawa sa pagiging isang probinsyudad
Ang pananaliksik na ito nilayong alamin kung anong pagkasiyudad mayroon ang Taguig at kung naaangkop ba na tawagin itong ‘probinsyudad.’ Nirebisa ang ilang “urban theories” kaugnay sa mga siyudad sa Timog Silangang Asya, gayundin ng mga konsepto ng pag-unlad, kasabay ng pagbalik-tanaw sa ilang tampok na karanasan ng Taguig mula sa pagiging pamayanan nito hanggang sa pagiging siyudad. Click to Read the Full Article
-

Ang Larong Sungka Bilang Pamanang Bayan sa Pananaliksik at Pagbuo ng Kaalamang Pangkasaysayan sa Pilipinas
Hindi lamang makikita ang pagiging tradisyonal na akdang pangkasaysayan sa uri ng datos na ginagamit, kundi maging sa tinutuntungang perspektiba at praxis pangkasaysayan na ginagamit ng may-akda. Ibabahagi sa papel na ito ang isang uri ng ekspresibong kultura tulad ng larong sungka bilang pamanang bayan at ekspresibong kultura. Click to Read the Full Article
-

Ang Gampanin ng mga Pelikulang Historikal sa Pagtatamo at Pagpapatibay ng Kamalayang Pangkasaysayan
Karaniwang iniuugnay ang kasaysayang pampubliko sa pagbisita sa mga museo at pag-anyaya sa mga historyador upang sumagot sa mga trivial question ng madla. Itinuturing din na bahagi nito ang pakikipagtalakayan ng mga historyador sa isang programa sa telebisyon o radyo upang ibigay ang kaniyang sariling pananaw sa isang makasaysayang pangyayari sa kapakinabangan ng mga nanonood o nakikinig na publiko. Click to Read the Full Article
-

Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Madalang mabasa sa mga batis-kolonyal ang mga sinaunang pamayanan sa bansa, kahit pa ang sa lungsod ng Iligan kung saan ang mga Higaunon ang kinikilalang unang pangkatetnikong nanirahan dito. Sila rin ang unang nagpangalan sa ilan sa mga pook ng Iligan kung kaya, layunin ng papel na masuri ang mga piling pook-pangalan batay sa kanilang konteksto at masilip ang sinaunang pamayanan sa Iligan gamit ang kabilin ng mga Higaunon. Click to Read the Full Article
-

BAGANI, 1892-1896 Mga Aral Mula kay Rizal Para sa Makabagong Panahon ng Lockdown
Sa mga madidilim na bahagi ng ating kasaysayan, may mga liwanag na lumilitaw upang maging inspirasyon, gabay, at halimbawa. Sa panahon na ito ng COVID-19 pandemic, na ang lahat ay tila nasa lockdown, ano ang maituturo sa atin ng kasaysayan at ng buhay ng ating mga bayani, partikular ang buhay ng ating national hero na si Dr. José Rizal? Click to Read the Full Article
