Kalusugang Pisikal ng mga Empleyado sa Isang Institusyon

Ricardo V. Carpio, Jr.
Julian J. Meimban III
Jachelle Anne D. Terrago

Abstrak

Isang survey ang ginawa upang alamin kung gaano karaming mga empleyado sa isang pribadong institusyon ang may health problem (HPROB) o may above normal/abnormal na laboratory test results (blood sugar, uric acid, cholesterol, blood pressure, at/o ECG). Sinuri rin kung ang HPROB ay may kaugnayan sa STATUS (support staff o administrative staff), sa WEIGHT (normal o overweight/obese), at sa AGE (21-40 years old o 41-70 years old) ng empleyado. Ang survey questionnaire ay dumaan sa content validity evaluation ng mga manggagamot.

Sa kabuuang 65 na mga empleyado na binigyan ng questionnaire, 54 (83% response rate) ang tumugon. Ang sagot ng 54 ay nagtala ng Cronbach’s Alpha (internal consistency reliability) na .64. Sa mga repondente, 12 ang nagsabing nagtataglay sila ng iba’t ibang HPROB. At batay naman sa sample size na 26 na binahagi sa STATUS gamit ang proportionate stratified random sampling technique, may significant relationship ang HPROB at STATUS (p = .01). Ang strength of relationship ng dalawang baryabol ay itinuturing na moderate (Phi coefficient = 0.52) at highly statistically significant (p = .008). Higit ang bilang ng mga administrative staff na nagtataglay ng health problems kaysa sa mga support staff. Ang sample na ginamit ay nagpapahiwatig din na walang significant relationship ang HPROB at WEIGHT (p = .673) gayon din ang HPROB at AGE (p = .378). Gayon pa man, inirerekumenda na magkaroon ng regular o scheduled exercise ang mga administrative staff dahil sa kanilang sedentary job at maging ang mga nasa support staff at gawan ng follow-up study paglipas ng ilang panahon para masuri ang epekto ng exercise sa kanilang kalusugan.

Mga Susing Salita: proportionate stratified random sampling, health, Phi coefficient, Chi-Square, Bonferroni correction

“Health is wealth.” Ang kasabihang ito ay hindi mapasusubalian. Ang malusog na pangangatawan ay itinuturing na isang malaking kayaman. Maraming benepisyo ang ibinibigay ng malusog na katawan tulad halimbawa ng mga sumusunod:

1) Ang malusog na katawan ay may malakas na resistensiya sa pagdapo ng iba’t ibang uri ng karamdam (Harvard Medical School, 2014),
2) Malaki ang matitipid ng isang taong malusog ang katawan mula sa pagkakasakit at maiiwasan din ang pagkawala ng sanay kikitain sa trahabo,
3) Higit na produktibo at epesiyente ang pagpawa ng taong malusog ang pangangatawan kaysa taong may iniindang karamdaman (Pronk, 2013),
4) Ang taong malusog ang katawan ay nakababawas ng alalahanin at isipin sa kaniyang sarili at pamilya bunga ng pagkakasakit, at
5) Ang taong may malusog na pangangatawan ay kadalasang may positibong pananaw sa buhay kaya hinahangad niyang malasap pa ang kagalakan dulot ng mabuhay ng matagal (Zainal, 2015).

Marami ang mapababayaang gampanin sa opisina kapag ang isang empleyado ay lumiban kahit isang araw lamang. Subalit, kahit hindi lumiban kung may iniinda namang karamdaman ay hindi rin magiging mabunga ang paggawa ng isang empleyado. Kaya, napakahalaga sa isang Company na ang mga empleyado nito ay may malusog na pangangatawan.

Sa kasalukuyan, hindi batid ng isang pribadong kumpanya ang kalagayan ng kalusugan ng mga empleyado nito. Nangangailangan ito ng siyentipikong pagsusuri upang ang mga ipapanukalang mga hakbang, patakaran, at programa para sa pagpapaunlad ng kalusugan ng mga empleyado ay mabatay sa matibay at mapagkakatiwalaang impormasyon. Ang mga research questions na sinagot sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

  1. Gaano karaming empleyado ang may above normal na laboratory tests (i.e., blood sugar, uric acid, cholesterol, blood pressure, at ECG) batay sa kanilang Status (i.e., support staff o administrative staff)? Ang ECG ay may dalawang category: normal o abnormal.
  2. Gaano karaming empleyado ang may above normal na laboratory tests (i.e., blood sugar, uric acid, cholesterol, blood pressure, at ECG) batay sa kanilang Weight (i.e., normal o overweight/obese)?
  3. Gaano karaming empleyado ang may above normal na laboratory tests (i.e., blood sugar, uric acid, cholesterol, blood pressure, at ECG) batay sa kanilang Age (i.e., 21-40 years old group o 41-70 years old group)?
  4. May kaugnayan ba ang pagtataglay ng Health Problem (ang tinutukoy ay kung may abnormal level na blood sugar, uric acid, cholesterol, blood pressure, o ECG) at Status ng empleyado (administrative staff o support staff), α = .05? Kung may kaugnayan, gaano katindi?
    Ho: walang kaugnayan ang Health Problem at Status
    Ha: may kaugnayan
  5. May kaugnayan ba ang pagtataglay ng Health Problem at Weight ng empleyado, α = .05? Kung may kaugnayan, gaano katindi?
    Ho: walang kaugnayan ang Health Problem at Weight
    Ha: may kaugnayan
  6. May kaugnayan ba ang pagtataglay ng Health Problem at Age ng empleyado, α = .05? Kung may kaugnayan, gaano katindi?
    Ho: walang kaugnayan ang Health Problem at Age
    Ha: may kaugnayan

Metodo

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isang descriptive study. Ang pagsusuring ito ay ginawa noong Agosto 2016 at ang mga datos ay nagmula sa mga sagot ng mga empleyado ng isang pribadong kumpanya sa survey questionnaire.

Pagbuo, Validity, at Reliability ng Survey Questionnaire
Ang pagbuo ng survey questionnaire ay ibinatay sa mga impormasyon na nakasaad sa Blood Clinical Chemistry report na ibinibigay sa mga sumasailalim sa medical check-up. Ang survey form ay may dalawang bahagi: I. Background Information at II. Health Condition (batay sa pinakahuling laboratory tests).

Bago ipinamahagi ang survey questionnaire, ipinasuri muna ito sa mga manggagamot para matiyak ang kawastuhan ng mga impormasyon na kukunin sa mga respondents batay sa layunin ng pag-aaral na ito (content validity). Ang internal consistency reliability (Cronbach’s Alpha) ay tinaya naman batay sa sagot ng mga respondents sa survey questionnaire.

Ang Cronbach’s Alpha ng anim na items sa Part II ng survey questionnaire ay 0.64 na itinuturing na “barely acceptable” kung ihahambing sa general minimum recommended value na 0.70 (Bohrnstedt and Knoke, 1988). Subalit, may mga test instruments (personality tests) na ginamit kahit ang kanilang reliability ay 0.60 lamang (Sprinthall, 1997). Kaya, may batayan sa pagsasabing ang anim na items na binanggit ay magkakaugnay, na pinatutunayan din ito ng kanilang positive inter-correlation, at indicators sila ng health condition.

Respondents
Sa kabuuang 65 na mga empleyado (37 o 60% ang administrative staff at 28 o 40% ang support staff) na binigyan ng survey questionnaires, 54 ang sumagot (83% response rate). Sa 54 na sumagot, 34 (63%) ang administrative staff at 20 (37%) naman ang support staff. Bukod dito, 48 (88.9%) ang lalaki at 6 (11.1%) naman ang babae (Talahanayan 1).

Para sa research questions 1-3, lahat ng empleyado (65) ay binigyan ng survey form. Pinulong muna sila at ipinaliwanag sa kanila ang tungkol sa mga sumusunod: 1) impormasyong hinihingi, 2) dulot na pakinabang ng pagsasaliksik na ito sa kumpanya at sa mga empleyado, 3) wastong pagsagot sa mga hinihinging impormasyon, 4) pagsagot ng buong katapatan, at 5) maagap na pagsusumite ng sinagutang survey forms sa tanggapan ng Research Department.

Para sa research questions 4-6, tinaya muna ang marapat na sample size. Batay sa 80% power, 5% significance level, at large effect size (ES), at chi-square na may isang Degrees of Freedom (DF), 26 na respondents ang kailangan. Ang 26 respondents ay pinili mula sa 65 na kabuuang bilang ng mga empleyado sa pamamagitan proportionate stratified random sampling technique kung saan ang strata ay employment status at ito ay ginamitan ng SPSS random selection of cases command. Bilang resulta, 16 na admin staff at 10 support staff ang napabilang sa sampol.

Mga Baryabol
Ang mga demographic characteristics na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: edad o AGEROUP (21 – 40 taong gulang at 41 – 70 taong gulang) at employment status (staff o admin). Ang mga health indicators ay ang mga sumusunod: timbang o WEIGHT (normal o overweight/obese) at health problem o HPROB (meron o walang health problems). Ang kahulugan ng “health problems” sa pag-aaral na ito ay pagtataglay ng abnormal na level ng blood sugar, uric acid, cholesterol, blood pressure (BP), at/o ECG. Ang ginamit na batayan para sa baryabol na HPROB ay ang mga sumusunod: normal blood sugar level (74 – 106 mg/dL), normal uric acid level (3.5 – 7.2 mg/dL sa lalaki at 2.6 – 6.0 mg/dL sa babae), normal cholesterol level (0-200 mg/dL), normal BP (120/80).

Istatistikal na Pagsusuri
Para sa research questions 1-3, frequency at percentage ang tinaya. At para sa research questions 4-6, chi-square at Phi coefficient ang ginamit. Upang kontrolin ang pagtaas ng Type I Error dahil sa tatlong (3) chi-square tests na ginawa, ang level of significance ay nilapatan ng Bonferroni correction at naging .016 mula sa .05.

Resulta at Diskusyon

Bilang at Porsiyento ng Respondente na may Health Problems
Pito (7) o 13% ng 54 respondents ang nagpahayag na sila ay may above normal/abnormal blood sugar level, 12 (22.2%) ang may above normal na cholesterol level, at 6 (11.1%) ang may hindi normal na BP. Limampu’t tatlo (53) lamang ang may kumpletong tugon para sa uric acid at ECG tests at may 8 (15.1%) at 2 (3.8%) sa kanila ang may hindi normal na uric acid level at ECG result, respectively.

Sa lahat ng laboratory tests, ang grupo ng admin staff ang may mas malaking porsyento ng may abnormal na result kumpara sa grupo ng support staff. Batay sa timbang, mas maraming overweight o obese na nagpahayag na pagkakaroon ng abnormal na results sa mga laboratory tests kumpara sa mga may normal na timbang, maliban sa uric acid test kung saan pareho ang bilang ng overweight at may normal na timbang na may abnormal na result. Batay naman sa edad, mas maraming respondents na may edad 21-40 ang nagpahayag ng abnormal blood sugar level, BP level, at ECG kumpara sa may edad 41-70. Kabaliktaran naman ang makikita sa resulta ng cholesterol kung saan mas maraming nasa edad 41-70 ang may abnormal na resulta (Talahanayan 2).

Nota: May respondent na hindi kumpleto ang pagsagot sa questionnaire. Ang gayong respondent ay hindi isinasama ng SPSS, by default, sa pagbilang. Bunga nito, mas mababa sa 54 respondents ang available para sa research questions 1-3.

Chi-Square Test para Health Problem at Ibang Baryabol
May significant relationship ang HPROB at STATUS (Fisher’s Exact Test, two-sided, p = .01). Ang tindi ng ugnayan ng dalawang baryabol ay 0.52 (Phi = 0.520) na itinuturing na moderate (Salkind, 2000) at ito ay highly significant (p = .008) o hindi nagkataon lang. Mas maraming administrative

staff ang nagtataglay ng health problem kumpara sa support staff (46.7% vs 0%), samantalang mas maraming support staff ang nagpahayag na walang health problem (100% vs 53.3%) (Talahanayan 3). Ang resultang ito ay nagpapahiwatig na ang mga empleyado na kabilang sa administrative staff ay may mataas na probabilidad na magtaglay ng health problem kaysa sa mga nasa support staff.

Ang maaaring paliwanag nito ay dahil ang mga administrative staff ay nagtataglay ng sedentary job o gawain walang gasinong pagkilos, dagdag pa ang stressful nature ng trabaho sa maghapon. Dahil sa malimit ay nakaupo na lamang ang may sedentary job, ang mga kinakain, lalo na kung maalat at mamantika pa, ay hindi gasinong nasusunog ng katawan na mangyayari kung panay ang pisikal na pagkilos gaya ng nakikita sa mga support staff.

Walang kaugnayan ang HPROB at WEIGHT (Fisher’s Exact Test, two-sided, p = .673). Mapapansin sa Talahanayan 3 na magkasindami ang bilang ng may health problem sa mga normal ang timbang at sa mga overweight/obese. Bukod dito, walang ring kaugnayan ang HPROB at AGE (Fisher’s Exact Test, two-sided, p = .378). Halos magkasindami ang bilang ng may health problem sa nasa 21-40 years old group at sa mga nasa 41 – 70 years old group. Kung may parang pagkakaiba sa bilang, ang gayon ay bunga lang ng chance at walang sapat na batayan sa pagsasabing may pattern of relationship ang mga nabanggit na baryabol.

Konklusyon at Rekomendasyon
Marami sa mga empleyado sa Institusyon ang may above normal o abnormal na blood sugar, uric acid, cholesterol, blood pressure, at/o ECG. Higit ang bilang ng may ganitong karamdaman ang nakita sa mga nasa administrative staff kaysa sa mga nasa support staff. Ang mga sumusunod na hakbang ay inirerekumenda:

  1. Magkaroon ng regular o scheduled exercise ang mga empleyado, administrative staff man o support staff.
  2. Magpanukala ng health seminars para sa mga empleyado.
  3. Gumawa ng follow-up study na naglalayong tayahin ang epekto ng regular/scheduled exercise sa kalusugan ng mga empleyado.

Mga Reperensya

Bohrnstedt, G. W. & Knoke, D. (1988). Statistics for Social Data Analysis (2nd ed.). F.E. Peacock Publishers, Inc.

Cohen, J. (1992). A Power Primer. Psychological Bulletin, 112(1), 155-159. https://doi.org/10.1037/0033-2909.112.1.155

Harvard Medical School. (2021, February 15). How to boost your immune systems? https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/how-to-boost-your-immune-system

Pronk, N. (2013). Visualizing Health and Productivity. ACSM’s Health & Fitness Journal, 17(1), 38-42. DOI: 10.1249/FIT.0b013e318279439a

Salkind, N. J. (2000). Exploring Research (4th ed.). Prentice-Hall.

Sprinthall, R. C. (1997). Basic Statistical Analysis (5th ed.). Allyn & Bacon.

Zainal, NZ. (2015). A Healthy Mind, In a Healthy Body. Malaysian Journal of Psychiatry, 24(1),1-2.

1781625660

  days

  hours  minutes  seconds

until

NEU 51st Anniversary

Archives
Categories


Discover more from University Research Center

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading