Benjamin T. Delos Reyes
Julian J. Meimban III
Jachelle Anne D. Terrago
Abstrak
Sinuri kung ang panunuluyan sa dormitory ay may pareho o magkaibang perceived social/emotional impact sa mga 1st Year at 2nd Year na mag-aaral sa kolehiyo. Inalam din kung may interaction ang gender at year level. Ang survey questionnaire na ginamit ay pumasa sa validity test at reliability test (Cronbach’s alpha = .77) at pinasagutan sa 100 randomly selected na respondents. Ang sample size ay ibinatay sa power = .80, α = .05, effect size (ES) = 0.30 (medium), para sa 2×2 ANOVA design. Dahil hindi natugunan ang normality assumption ng 2×2 ANOVA, Mann-Whitney U (nonparametric) ang ginamit upang magbigay ideya kung may interaction ang gender at year level. May nabakas na interaction ang dalawa. Sa mga nasa 1st Year, ang perceived positive social/emotional impact ng panunuluyan sa dormitoryo ay magkaiba sa lalaki at sa babae. Higit na mataas ang mean rank sa lalaki kaysa sa babae at ito ay highly significant (p = .008). Subalit, sa mga nasa 2nd Year, ang pagkakaiba sa mean rank ay hindi statistically significant (p = .054) o pareho lang sa lalaki at sa babae. Sa mga lalaki, ang score ng 1st Year at 2nd Year ay hindi statistically significant (p = .200). Subalit, sa mga babae, statistically significant ang pagkakaiba sa perceived social/emotional impact ng panunuluyan ng 1st Year at 2nd Year (p = .01).
Mga Susing Salita: Mann-Whitney U test, Shapiro-Wilk test, Bonferroni correction, effect size, main effect, Cronbach’s alpha
Ang edukasyon ay napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ay isang kayamanang hindi mapapantayan at hindi maaaring nakawin ng sinuman. Ito ang magiging saligan ng mga kabataan sa kanilang buhay at ikapagkakaroon ng maganda at mabuting kinabukasan. Kaya sa kabila ng kahirapan ng buhay lalo na sa kasalukuyang panahon ay sinisikap ng mga magulang na maitaguyod at matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak hanggang sa makatapos ng kolehiyo. Saan maninirahan ang mga kabataang nagnanais na mag-aral lalo na kung ang kanilang bahay ay malayo sa pamantasan?
Pinipili ng marami ang manuluyan sa dormitoryo na nasa loob ng campus ng unibersidad upang makapamalagi rito ang mga estudyante sa panahon ng kanilang pag-aaral. Ito ay itinuturing ng mga mag-aaral na kanilang pangalawang tahanan na malayo sa kanilang mga magulang at mahal sa buhay. At sa ganitong pagbabago sa buhay ng mga mag-aaral, kailangan na mailapat ang kanyang sarili sa bawat pangyayari maging ito ay may kinalaman sa personal na buhay, emosyonal, sosyal at iba pa. Dahil sa ganitong sitwasyon, paano nga ba inilalapat ng nasabing mag-aaral ang kanilang sarili upang mapagtagumpayan ang ibat-ibang pangyayari sa buhay nila sa mga panahon na sila ay nanunuluyan sa dormitoryo at nag-aaral? Paano sila matutulungan upang maiangkop ang kanilang sarili at maitaguyod ang kanilang pag-aaral hanggang sa makatapos?
Maraming dahilan kung bakit mas pinipili ng mga estudyante ang manuluyan sa dormitoryo sa panahon ng kanilang mga pag-aaral. Karamihan sa mga malaking unibersidad ay inoobliga ang kanilang estudyante na manirahan sa dormitory. Sa ginawang pananaliksik nila de Araujo & Murray (2010), lumalabas na ang paninirahan sa dormitoryo ay nagpapataas sa general point average (GPA) ng 0.19 – 0.97 na maaring dahil sa mga serbisyong akademiko na matatagpuan sa mga dormitory. Para sa marami ang pagtira sa dorm ay paraan ng pagkakaroon ng kalayaan at pribadong buhay (Pedronan et al., 2013).
Subalit, ano ba ang buhay ng mga mag-aaral na nakatira sa dormitoryo? Madali bang manirahan sa dormitoryo? Ayon sa isang artikulo, narito ang mga surilanin na kinakaharap ng mga mag-aaral na naninirahan sa mga dormitory (High School Counselor Marketing, 2016):
- Social Pressure – posibilidad na matuto ng iba’t ibang bisyo dahil sa peer pressure
- Lack of Privacy – pagkakaroon ng kasama sa kwarto at paggamit ng communal na pakiluran at kusina
- Letting go of old habits – pagbabago ng istilo ng pamumuhay at pag-uugali upang makibagay sa iba
- Cleanliness – pagpapanatili ng kalinisan ng kwarto at ibang lugar sa dormitory bilang pakikisama sa iba
- Lack of Sleep – kakulangan ng tulog dahil sa ingay
- Too many rules – pagsunod sa maraming tuntunin ng mga dormitoryo
Dahil sa mga bentahe gayundin ng mga suliranin ng panunuluyan sa dormitory ayon sa mga literatura ukol dito, nais malaman ng mga mananaliksik kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa impact o epekto ng panunuluyan sa dormitory sa social at emotional character ng mag-aaral sa kolehiyo. Nilayon ng ng mga mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na Research Questions at i-test ang mga hypotheses:
- May pagkakaiba ba sa perceived social/emotional impact ng panunuluyan sa dorm ang MALE at FEMALE (GENDER), α = .05?
Ho: Walang pagkakaiba
Ha: Magkaiba - May pagkakaiba ba sa perceived social/emotional impact ng panunuluyan sa dorm ang FIRST YEAR at SECOND YEAR (YEAR),
α = .05?
Ho: Walang pagkakaiba
Ha: Magkaiba - Ang perceived social/emotional impact ba ng panunuluyan sa dorm ayon sa MALE at FEMALE ay pareho sa FIRST YEAR at sa SECOND YEAR, at vice versa, o sa iba ng salita, may interaction ba ang GENDER at YEAR, α = .05?
Ho: Walang interaction ang GENDER at YEAR
Ha: May interaction
Metodo
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isang descriptive study kung saan inalam kung may significant na pagkakaiba sa perceived impact o epekto ng panunuluyan sa dormitory sa social at emotional character ang mga grupo ng mag-aaral batay sa kanilang tauhin (GENDER) at antas ng taon (YEAR LEVEL).
Populasyon at Sampol
Ang populasyon sa pag-aaral na ito ay lahat ng mga mag-aaral na nasa una at ikalawang taon sa kolehiyo na nanunuluyan sa Dormitory I (Male Dorm) at sa Dormitory II (Female Dorm) sa isang Pamantasan sa taong panuruan 2016-2017. Batay sa iminumungkahi ni Cohen (1992) para sa 2×2 ANOVA design, power = .80, α = .05, at ES = 0.30 (medium), ang sample size ay 90. Ito ay ginawang 100 na may katumbas na achieved power na .84 (Faul et al., 2007). Ang sampol ay pinila sa pamamagitan ng two-stage stratified sampling kung saan pumili ng mga tig-50 respondente randomly mula sa bawat stratum (grupo ng mga lalaki estudyante na nasa unang taon; babae, unang taon; lalaki, ikalawang taon; babae, ikalawang taon).
Survey Instrument
Isang survey questionnaire ang binuo upang mataya ang perceived impact o epekto ng panunuluyan sa dormitory sa social at emotional character. May siyam (9) na items para mataya ang perceived impact: (1) natutong mamuhay ng mag-isa; (2) natuto sa mga gawaing bahay; (3) natutong makitungo sa iba; (4) natutong magtipid; (5) nakapag-concentrate sa pag-aaral; (6) naging responsible sa buhay; (7) naging palakaibigan; (8) tumaas ang pagtitiwala sa sarili; (9) nawala ang pagiging mahiyain. Ang sagot na “Oo” sa mga items na ito ay may katumbas na isang puntos.
Bago ginamit ang questionnaire, ito ay dumaan muna sa validity at reliability tests. Ayon sa dalawang sinanguning guidance counselors, ang questionnaire ay nakatugon sa content validity. Ang survey instrument ay nakatugon din sa reliability test. Ang tugon ng 100 respondente ay nagbigay ng Cronbach’s alpha na 0.77 na nagpapakita na ang instrument ay nagtataglay ng generally acceptable value ng internal consistency reliability. Dahil dito, ang 9 na items sa questionnaire ay pinagsama para makabuo ng summated score sa bawat respondent. Ang summated score ang ginamit sa statistical analysis at hypothesis testing.
Istatistikal na Pagsusuri
Sinubukang gamitin ang 2×2 ANOVA kung saan ang dependyenteng baryabol ay ang summated score para sa perceived impact ng panunuluyan sa dormitory at ang mga independyenteng baryabol ay tauhin (GENDER) at antas (YEAR). Subalit hindi natugunan ang normality assumptions ng 2×2 ANOVA. Base sa resulta ng Shapiro-Wilk test, ang scores ng mga lalaking mag-aaral na nasa unang taong lamang ang normally distributed (W = .94, p = .150). Hindi pumasa sa normality test ang scores ng grupo ng mga lalaking mag-aaral na nasa ikalawang taon (W = .885, p = .009), gayundin ng mga babaeng mag-aaral na nasa unang taon (W = .862, p = .003) at ng nasa ikawalang taon (W = .915, p = .039). Batay naman sa resulta Levene’s test, ang mga scores sa mga cells batay sa GENDER ay YEAR ay nagtataglay ng homogeneous variance, F(3, 96) = 0.784, p = .506. Dahil ang normality assumption ay hindi lubos na natugunan, ang nonparametric test na Mann-Whitney U test ang ginamit upang sagutin ang mga research questions. At dahil ang research design ay 2 x 2 ANOVA, inalam muna kung may indikasyon ng interaction o wala ang GENDER at YEAR sa pamamagitan ng simple effect test bago inalam kung may main effect ang GENDER (Research Question 1) at main effect ang YEAR (Research Question 2). Sa pagsasagawa ng simple effect test, ang level of significance ay nilapatan ng Bonferroni correction kaya ito ay naging .025 mula sa .05.
Resulta at Diskusyon
Perception Ukol sa Epekto ng Panunuluyan sa Dormitoryo
Mas maraming respondente ang nagsabi na ang panunuluyan sa isang dormitoryo ay nagdulot sa kanila ng konsentrasyon sa pag-aaral (58%), pagkawala ng pagiging mahiyain (58%), pagkatuto sa pagtitipid (54%), at pagtaas ng pagtitiwala sa sarili (59%). Sa kabilang dako, mas maraming respondente ang tumugon ng HINDI kaysa OO sa mga sumusunod na item: natuto sa mga gawaing bahay (55%), naging responsible sa buhay (57%), naging palakaibigan (51%), natutong mamuhay ng mag-isa (78%), natutong makitungo sa iba (64%) (Talahanayan 1).

Ang average score ng mga respondente ay 4.8 (SD = 2.6). Mas mataas ang average score ng mga lalaki (M = 5.5, SD = 2.7) kesa sa mga babae (M = 4.0, SD = 2.3). Gayundin, mas mataas ang mean score ng mga nasa ikalawang taon (M = 5.4, SD = 2.6) kesa sa mga unang taon (M = 4.1, SD = 2.5) (Talahanayan 2).

Interaction ng GENDER at YEAR sa Score
Upang malaman kung mga indikasyon ng interaksyon ng GENDER at YEAR ay tinignan ang simple effect kung saan inalam kung may pattern of difference sa pagkakaiba ng babae at lalaki sa bawat year level, at vice versa.
Sa mga FIRST YEAR, ang score ng MALE at FEMALE ay highly statistically significantly different (U = 177.5, p = .008) (Talahanayan 3). Ang effect size nito ay 0.38 na itinuturing na medium (Cohen, 1992). Higit ang mean rank score ng MALE (30.90) kaysa sa FEMALE (20.10). Ang ibig sabihin, mas marami ang bilang ng mga lalaki ang sumagot ng YES (positibo ang social/emotional impact ng panunuluyan sa dormitoryo) at may mas mataas na score kaysa sa mga babae. Subalit, sa mga SECOND YEAR, not statistically significantly different ang social/emotional impact ng panunuluyan sa dormitoryo sa mga MALE at sa mga FEMALE (U = 214.5, p = .054). Ang mean rank score ng MALE ay 29.42, sa FEMALE ay 21.58 (Talahanayan 3). Ang resultang ito ay nagpapahiwatig ng possible interaction effect ng GENDER at YEAR. Ibig sabihin, ang pagkakaiba sa pagitan ng MALE at FEMALE ay depende sa YEAR level. Kung gayon, hindi masasagot ang Research Question 1 (May pagkakaiba ba ang social/emotional impact ng panunuluyan sa dorm sa MALE at sa FEMALE?) sa ganyang kanyang sarili ng walang konsiderasyon sa YEAR level.

Sa kabilang dako, sa mga MALE na estudyante, ang score ng FIRST YEAR at SECOND YEAR ay hindi statistically significantly different (U = 247, p = .200) (Talahanayan 6). Subalit, sa mga FEMALE na estudyante, statistically significant ang pagkakaiba sa perceived social/emotional impact ng panunuluyan ng FIRST YEAR at SECOND YEAR (U = 181, p = .01, ES = 0.37). Ang mean rank score ng SECOND YEAR (30.76) ay mas mataas kaysa sa mean rank score ng FIRST YEAR (20.24) (Talahanayan 4). Katulad ng 50naunang interpretasyon, ang resultang ito ay nagpapahiwatig ng possible interaction effect ng GENDER at YEAR. Ibig sabihin, ang pagkakaiba sa pagitan ng ng YEAR level ay depende sa GENDER. Kung gayon, hindi masasagot ang Research Question 2 (May pagkakaiba ba ang social/emotional impact ng panunuluyan sa dorm sa FIRST YEAR at sa SECOND YEAR?) sa ganyang kanyang sarili ng walang konsiderasyon sa GENDER.

Konklusyon at Rekomendasyon
Lumilitaw sa pagsusuri na may nakikitang possible interaction ang gender at year kung ang pag-uusapan ay perception ukol sa positibong social/emotional impact ng panunuluyan sa dormitory. Higit na maraming positive impact ang dulot ayon sa mga lalaki kaysa sa mga babae na nasa unang taon. Gayundin, higit na maraming positive impact ang dulot ayon sa mga nasa ikalawang taon kaysa sa mga nasa unang taon na mga mag-aaral na babae.
Iminunungkahi na ulitin ang pag-aaral na ito upang malaman kung ang possible interaction ng gender at year ay statistically significant gamit ang factorial ANOVA bilang statistical test. Upang makatulong na makapasa sa normality test, iminumungkahi din ang paggamit ng isang instrument na may lima o higit pang ordered categories na pagpipilian para sa mga items.
Mga Reperensya
Cohen, J. (1992). A Power Primer. Psychological Bulletin, 112(1), 155-159. https://doi.org/10.1037/0033-2909.112.1.155
De Araujo, P. & Murray, J. (2010). Estimating the Effects of Dormitory Living on Student Performance. SSRN Electronic Journal. https://doi.org/10.2139/ssrn.1555892
Faul, F., Erdfelder, E., Lang, A.-G., & Buchner, A. (2007). G*Power 3: A flexible statistical power analysis program for the social, behavioral, and biomedical sciences. Behavior Research Methods, 39, 175-191.
High School Counselor Marketing. (2016, April 4). Challenges faced by students living in dorms! https://highschoolcounselormarketing.com/challenges-faced-by-students-living-in-dorms/
Pedronan, R. C., Ramos, E. L., Pascua, J. P., Pelobello, M. A., & Pedro, R. B. (2013). Epekto ng Pagdodorm sa Performans sa Klase ng Mag-aaral sa Ikalawang Taon ng Kursong Bachelor of Science in Computer Science [Bachelor’s Thesis] Marcos College.
